Abante Tonite Interactive

13 bansa bawal magpasok ng baboy sa ‘Pinas

By
147

Mahigpit ngayong pinababantayan ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Bureau of Animal Industry(BAI) ang pagpasok ng baboy at iba pang mga pork based product mula sa 13 bansa bilang pagkontrol sa pagpasok sa bansa ng African Swine Fever(ASF).

Kabilang sa mga bansang banned sa pagpapasok ng mga pork based product ang China, Hunga­ry, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

Kasunod ng ipinatutupad na ban ay iniutos ni Piñol ang agarang pagkumpiska at pagsira sa mga makukuhang pork product mula sa mga nabanggit na bansa.

Sinabi ni Piñol na nananati­ling ligtas sa banta ng anumang uri ng sakit ang mga local meat product at walang kakulangan sa supply.

Pinagsisibak na NAIA quarantine personnel: Shocked kami!

Kaugnay nito’y nabigla naman ang mga Bureau of Animal Quarantine (BAQ) personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa biglaang pagsibak sa kanila ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol dahil sa hindi pagsunod sa kanyang kautusan.

“Na-shocked kami sa na­ging announcement na hanggang alas-5:00 pm na lang sila sa office” ang naging reaksiyon ng BAQ personnel.

Nabatid na ang BAQ personnel ay umaasa lamang sa mga impormasyon mula sa mga customs personnel na nag-eeksamin sa mga parating na pasahero partikular na sa nagdadala ng ‘frozen meat’ na hinihinalang may ASF.

Ayon sa ulat, ang ASF ay isang highly-contagious swine disease na ikinatakot ng mga swine far­mer sa ibang bansa.

Ang pahayag ni Piñol ay nai-broadcast sa isang radio station na umaakusa sa animal quarantine personnel ng airport na hindi sumunod sa kanyang direktiba para ipatupad ang mga quarantine procedure alinsunod sa outbreak ng African Swine Fever virus

Ayon naman sa pahayag ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan, walang nakakalusot na ‘pork product’ na dala ng mga pasahero dahil sa masusing pag-eksamin ng mga customs examiner.