Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 barangay sa Ilocos nasa extreme ECQ

0 56

Nasa ilalim ng extreme enhanced community quarantine (EECQ) ang 23 barangay sa Cabugao, Ilocos Sur matapos na umabot sa ‘alarming stage’ ang kaso ng COVID-19 at mga variant nito roon, ayon sa Inter-Agency Task Force-Ilocos Sur (IATF-IS).

Sa datos ng IATF-IS at Ilocos Sur Provincial Health Office (IPHO), ang mga barangay na inilagay sa EECQ mula Setyembre 5 ay ang Alinaay, Arnap, Baclig,

Bonifacio, Bunglo, Cacadi­ran, Caellayan, Carusipan, Catucdaan, Cuancabal, Cuantacla, Dacrapan, Dardarat, Margaay, Nam­ruangan, Pug-os, Quezon, Rizal, Sabang, Sagayaden, Salapasap, Salomague, at Turod.

Ayon sa mga aw­toridad, lahat ng resi­dente sa mga lugar na naka-EECQ ay pinag­babawalang lumabas ng kanilang bahay maliban sa emergency at medical purposes.

Saad ng IATF-IS, ban­dang alas-5:00 ng hapon nitong Sabado, nakapag­tala ang Cabugao ng 154 aktibong kaso ng coro­navirus at may 11 indi­bidwal ang minomonitor ang kalagayan.

Napag-alaman na nitong Setyembre 3, inabisuhan ng IPHO si Cabugao Mayor Edgardo Cobangbang Jr. kaugnay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan.

Kinumpirma ng IPHO na may naitala na silang dalawang kaso ng CO­VID-19 Delta variant at isang Alpha variant mula sa dalawang barangay.

Dahil dito, nagbaba ng executive order si Co­bangbang na naghahayag ng pagkabahala sa pag­taas ng COVID cases sa kanyang bayan at tamang pagsunod sa lockdown. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.