Abante Tonite Interactive

13 chief of police sa Ilocos region sibak

By
May bagong cops na --- Sabay na kinausap at pinagharap ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang nasa mahigit 1,000 out-going na pulis-Caloocan at mahigit 900 na incoming policemen mula sa Regional Police Safety Battalion (RPSB) na siyang itatalaga sa bawat departamento ng Caloocan City Police Station. (Cherk Balagtas)
438

Nasa 13 chief of police (COP) sa Ilocos region ang sinibak sa puwesto dahil sa “low performance”, ayon kay Police Regional Office 1 (PRO1) director Chief Superintendent Romulo Sapitula kahapon.

Ayon kay Sapitula, sa kabila ng tinatamasang mga accomplishment ng peace and order sa Region 1, kinakailangan niyang i-relieve ang 13 COP dahil sa low performance ang mga ito base sa evaluation rating.

Sinabi niya na personal niyang binisita ang rehiyon at pinaalalahanan ang mga COP na doblehin ang kanilang pagsisikap at magtrabaho ng tama para kampanya laban sa droga.

Aniya, bilang hepe ng isang police station, nakasalalay sa kanila ang responsibilidad para maging mahusay at
epektibo ang kanilang lokalidad.

Ayon kay Sapitula, ang mga 13 COP ay nagmula sa Batac City Police Station, Panili Municipal Police Station, Nueva
Era Munipal Police Station, Carasi MPS, Candon CPS, Narvacan MPS, Santa MPS, Alilem MPS, Salcedo MPS, Supon MPS, Santos MPS, Burog MPS and San Gabriel MPS.

Ayon kay PRO1 director, ang mga na-relieve na COP ay na re-assign bilang checkpoint supervisor.