Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 Eba sa `social media putahan’ nasalba

0 40

Magkasanib na sinagip ng pulisya at mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 13 kababaihan matapos salakayin ang massage service na front umano ng online prostitution ring sa isang condominium sa Pasay City, Lunes ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Jun Rodriguez, hepe ng PNP Women and Children Police Center – Luzon Field Unit (WCPC-LFU), pinalalabas na mga masahista sa Pleasure Massage ang mga nasagip na babae.

Isa aniya itong massage service na binu-book sa website kung saan ay ihahatid ang customer sa “meeting place” tulad ng hotel.

SM food to go Banner Ad

Natunton aniya nila ito matapos ituro ng isa sa mga babae sa pulis na nagpanggap na customer ang kanilang “meeting place” sa condominium sa Pasay City.

Sa kasalukuyan, tinanggal na at hindi na ma-access ang website ng Pleasure Massage. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.