Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 EDSA u-turn slot isasara

0 93

Isasara simula Setyembre 28 ang u-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station sa Lungsod Quezon ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

SM food to go Banner Ad

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija, kabilang ito sa 13 U-turn slot na isasara sa kahabaan ng EDSA bago sumapit ang Pasko. Aniya, layunin nito na mas mapabilis ang biyahe ng mga bus na dumaraan sa innermost lane ng highway at maiiwasan na ang pagkabuhol-buhol ng mga sasakyan kapag humahaba na ang pila sa mga U-turn slot.

Naglatag na umano ang MMDA sa magkabilang lane ng U-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station. Puwede umanong gamitin bilang alternate route ng mga motorista ang ruta sa Quezon Avenue Service Road U-turn slot. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.