Abante Tonite Interactive

13 gold pepedalin ni Cariño, PH cycling

178

Handa nang pumad­yak para sa bayan sina former Ronda champion­ El Joshua Cariño at Ismael Grospe sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Hinayag ng Philippine Cycling Federation ang 27-man line-up na papadyak, kasama sa pagsiwalat na hahakutin ang 13 gold medals na nakataya.

Kasamang pepedal nina Cariño at Grospe na road riders sina Jonel Carcueva, Junrey Navara at Marcelo Felipe para sa Massed start (individual at team) habang alternate si Daniel Ven Carino.

Nakalista sina Ronald Oranza, Johnmark Cami­ngao, George Oconer at Jan Paul Morales sa team time trial.

Kasali rin ang event na Road, Bmx at Mountainbike.

Arangkada sa Individual Time Trial sina John Mark Galedo at Oranza habang reserve si Nichol Pareja.

Pepedal sa women’s team para sa Massed start sina Marella Salamat, Jermaine Prado at Jasmin Velasco.

Swak din sina Sala­mat at Prado sa ITT. (Elech Dawa)