Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 grupo tinulak pagkalkal sa Pharmally PPE tongpats

0 111

Nanawagan ang 13 grupo na binubuo ng mga negosyante, ilang mga abogado, at mga pangunahing unibersidad sa bansa para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon tungkol sa mga biniling medical supply ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation upang matugunan ang COVID-19 pandemic kahit pa nais na itong itigil ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We call on all parties to pursue and cooperate with this investigation to the fullest extent allowed by law. Our frontliners and the Filipino people deserve a full and fair accounting,” base sa kanilang joint statement.

Lumagda sa pahayag ang Bishops-Businessmen’s Conference, Investment Houses Association of the Philippines, Financial Executives Institute of the Philippines, Judicial Reform Initiative, Management Association of the Philippines, Makati Business Club, Shareholders Association of the Philippines, Ateneo de Manila University, Ateneo de Naga University, Ateneo de Zamboanga University, Xavier University-Ateneo de Cagayan, De la Salle University at De La Salle Philippines.

Giit nila sa pahayag na nakapanlulumo kung totoo ang mga naging testimonya at mga dokumentong lumabas tungkol sa pagbili ng pamahalaan ng mga medical supply na kinailangan ngayong pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The allegations, testimonies, and documents provided regarding the use of public funds meant to acquire items to minimize the threat to the lives of our citizens occasioned by the pandemic are very sobering,” sabi nila.

Sakaling hindi man ito totoo, maaari umanong tingnan ito bilang isang political na sarsuwela na nakasisira lamang sa pagkakaisa ng mga Pilipino na kinakailangan para labanan at makaahon sa pandemya.

Nanawagan din sila sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na bigyan ng integridad ang kanilang mga ginagawa at siguruhing transparent ito at ayon sa batas. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.