Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 lindol naitala sa Bulkang Taal

0 75

Nakapagtala ng 13 pagyanig sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Lunes hanggang Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin ang bulkan ng ‘weak steaming’ (usok) na umabot sa limang metro ang taas.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alanganin pa rin itong kalagayan at hindi naglaho ang banta ng pagputok.

Minungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone ng bulkan dahil maaari anilang maganap ang biglaang phreatic explosion. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.