Abante Tonite Interactive

13 mangingisda nawawala sa Recto Bank

148

Labingtatlong mangingisda mula sa Bataan ang iniulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang bangka sa Recto Bank malapit sa Panatag Shoal noon pang nakaraang linggo.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), batay sa mga ulat nangyari umano ang insidente dakong alas-tres nang madaling-araw noong Nobyembre 6, Miyerkoles.

Labing-apat na mangingisdang sakay ng tatlong bangka ang naglalayag sa Recto Bank nang lumubog umano ang isa sa mga sasakyang pandagat.

Sa nabanggit na bilang ay isa ang nakaligtas at pabalik na umano ito sa Mari­veles, Bataan.

Ayon sa PRC, nagpadala na sila ng medical team sa Brgy. Sisiman sa bayan ng Mariveles para kumpirmahin ang impormasyon at makipagtulungan na rin sa mga lokal na awtoridad.