Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 napapatay kada araw – PNP

0 55

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 2,423 kaso ng murder o aabot sa 13 kada araw na average habang naka-community quarantine ang bansa dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay base sa datos ng PNP na naidokumento mula Marso 17 hanggang Setyembre 10, 2020, kung saan isinaialim ng gobyerno ang bansa dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang PNP kung anong rehiyon ang may pinakamaraming kaso ng pagpatay at kung anong rehiyon ang may pinakakaunting kaso.

Ang daily average ayon pa sa PNP ay lubhang mataas kumpara sa 10 pagpatay kada araw ngayong buwan ng Hunyo, habang mas mababa rin ng 21.38% kumpara sa 3,086 na kaso ng pagpatay na naidokumento mula Setyembre 21, 2019 hanggang Marso 16, 2020. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.