Abante Tonite Interactive

13 talampakang burak, basura hahalukayin sa Manila Bay

304

Ipahahalukay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay para malinis ito sa mga basurang naipon sa ilalim nito.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ­sinisid ng mga diver ang Manila Bay noong nakaraang linggo at natuklasan ang mga naipong burak at basura sa ilalim nito na aabot sa 13 talampakan ang taas.

Pinag-aaralan na rin umano ng DENR kung isasama sa Manila Bay rehabilitation ang pagrekober sa mga World War II wreckage sa Manila Bay katulad ng isang tangke ng Amerika at isang kanyon ng ­Japan na natagpuan umano ng mga awtoridad sa ­Manila Bay noong 2009.

Sinabi ni Leones na aalamin nila kung nakaka­apekto ang mga wreckage sa kalidad ng tubig sa Manila Bay pero kung hindi naman ay hahayaan na lamang na manatili ang mga ito sa ilalim ng karagatan para magsilbing artificial reef ng iba’t ibang aqua­tic species o maging driving attraction sa mga turista.

Nangangamba rin kasi si Leones na baka ­magdulot ng masamang epekto sa Manila Bay kapag ­nirekober pa nila ang mga wreckage dito katulad ng oil spill.