Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13 trabahador bistado pagpuslit sa Malaysian

0 349

Napigilan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at Regional Inter-Agency Council Against Trafficking (RIACAT) ang tangkang pagbiyahe sa 13 umano’y biktima ng human trafficking sa Maluso, Basilan.

Ayon sa Coast Guard, Miyerkoles nang maligtas nila ang mga babaeng biktima na edad 21 hanggang 40. Mga residente umano sila mula Metro Manila, Nueva Ecija, Quirino, Capiz, Zamboanga del Norte, at Maguindanao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Patungo sana ang mga ito sa Malaysia para magtrabaho nang iligal. Arestado rito ang isang suspek.

Nakatanggap naman ng humanitarian assistance ang mga biktima at dinala sa sa Maluso Municipal Police Station at nilipat sa Department of Social Welfare and Development Regional Office – IX para sa swab test at mandatory quarantine bago payagang makabalik sa kani-kanilang pamilya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.