Abante Tonite Interactive

130 entry sa Ysabela Fastest Win — Sayaman

304

May libong sabungero ang lulusob sa Las Piñas Coliseum ngayong Sabado, dahil sa dalawang malakas na pasabong.

Unang bibitawan sa alas-nuwebe nang umaga ang Ysabela Fastest Win One-Cock Ulutan na may 130 entries at premyong P60,000.

Ayon nitong Biyernes kay host Rudy Sayaman, may bonus na P1,000 ang unang 15 winners.

Related Posts

Bandang alas-dos nang hapon ang grand finals ng National Bakbakan 12-Stag Derby at puwedeng makibahagi sa aksyon sa 12 LPC ­kiosks bigay ng Pitmasters Live.

May 50 entries naman­ ang Pamaskong Handog Bos Alex 4-Cock Derby” sa Disyembre 18.

Ang entry fee ay P7,700 at P400,000 ang guaranteed prize sa pa­sabong na ito ni coliseum manager Alex Tobias. (Enjel Manato)