Abante Tonite
Mabilis sa Balita

130 eskuwelahan pinayagan sa face-to-face class

0 65

Balik-eskuwela na ang nasa 130 kolehiyo at unibersidad matapos na payagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limitadong face-to-face class basta susunod sa mga health protocol.

Ayon kay CHED Executive Director Atty. Cenderilla Filipina Benitez-Jaro, inaprubahan na ng Malacañang ang rekomendasyon nila para sa limitadong balik-eskuwela sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ngunit mga medical at allied courses lamang aniya ang isasalang sa face-to-face classes sa pagbubukas ng school year 2021-2022 ngayong Setyembre.

Kabilang sa mga tinukoy na allied courses ay ang medicine, nursing, physical therapy, midwifery, medical technology/medical laboratory science, public health, speech language pathology at dentistry.

Pinayagan din ang mga kursong respiratory therapy, pharmacy at radiology technology.

Sa Setyembre 23 inaasahang babalik sa limitadong face-to-face classes ang 130 eskuwelahan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.