Abante Tonite Interactive

130K sako ng bigas sa Subic, binukbok

311

Sa gitna ng isyu ng kakapusan ng suplay ng bigas, nadiskubre naman ng mga awtoridad ang 133,000 sako nito na binubukbok sa warehouse ng Subic Bay Freeport Zone.

Ayon sa National Food Authority (NFA), ang nabukbok na mga bigas ay inangkat sa Thailand at dumating sa Subic Bay noong Agosto.

Agad namang inispreyan ng kemikal ang mga sako ng bigas para mawala ang mga bukbok. Sinasabing aabot ng pito hanggang 12 araw bago mawala ang peste sa bigas.

Sabi ng NFA, natural lang na dapuan ng peste ang bigas subalit ginarantiya ng ahensiya na papatayin muna nila ito bago ihatid sa kanilang mga warehouse.