Abante Tonite Interactive

133 Tsino huli sa E-games sa Ilocos

By
1,195

Matapos ang ilang araw na surveillance, sinalakay ng mga ope­ratiba ng Philippine National Police-Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACCG) mula sa Camp Crame ang pinagdarausan ng iligal na operasyon ng ‘online gambling’ at naaresto ang may 133 Chinese national sa Ilocos Sur.

Ang sinalakay ay ang compound sa Barangay Bayubay Sur na pag-aari ng negosyanteng si Cherry Forges at nadakip ang 26 na mga Tsino.

Kasunod namang ni-raid ng mga opera­tiba ng PNP-ACCG ang isang lugar sa Barangay Nagtupacan na pinagdarausan din umano ng online gambling na pag-aari naman ng isang nag­ngangalang Jack Chan at naaktuhan pa dito ang 43 Tsino.

Sa nasabing bayan rin nadakip ang 64 pang Chinese national na nagsasagawa rin ng iligal na sugal sa pamamagitan ng online.

Nakumpiska ng mga pinagsanib na operatiba ng PNP-ACCG, Chinese police, Special Action Force, Bureau of Immigration at PNP-San Vicente ang mga gamit sa online gambling gaya ng mga telepono, routers, cellphones, laptop, sim cards, washing machines, generators at iba pang pang-araw-araw na gamit pati na mga pagkain.

Ang mga naarestong Tsino ay pansamantalang ipiniit sa detention cell ng PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito, habang ang iba pang mga dayuhan na dinakip ay itinurn-over sa Immigration para pabalikin sa kanilang bansang pinagmulan.