Abante Tonite Interactive

134 Noche Buena product walang taas presyo — DTI

161

Hindi magmamahal ang presyo ng 134 na produktong pang noche Buena ngayong taon habang anim na produkto pa ang nagbaba ng presyo, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi gumalaw ang suggested retail price ng mga Noche Buena product ngayong taon kumpara sa presyo nito noong 2018. Ang kabilang dito ang keso de bola, keso, sandwich spread, mayonnaise, spaghetti, macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at iba pa.

Giit ng ahensya, taon-taon namang nagtataas ng presyo ang ilang premium brand subalit maliliit lamang ang pagmahal nito at ang presyo ng mga produktong pang masa ay kadalasan namang hindi gumagalaw.

Sabi ng DTI, bumaba pa ng P11 ang presyo ng anim na produkto tulad ng Danes Cheese Ball, Amigo Segurado Spaghetti, La Filipina Spaghetti, Del Monte Filipino Style and Original tomato sauce. (Eileen Mencias)