Abante Tonite
Mabilis sa Balita

134K contact tracer ikinalat

0 41

Nasa kabuuang 134,700 contact tracers ang naipakalat sa buong bansa, bilang bahagi ng Prevention, Detention, Isolation, Treatment and Rehabilitation (PDITR) plus vaccination strategies ng pamahalaan para sugpuin ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa tulong ng mga contact tracer ay 94% na ng COVID-19 cases ang natutunton nila sa loob lamang ng 24 oras.

SM food to go Banner Ad

Idinagdag rin ni Año na 283,711 medical personnel at 68,107 support staff ng mga LGUs ang kasalukuyan na ring naka-deploy upang tumulong sa vaccination program ng pamahalaan.

Aniya, base sa ulat ng mga LGU, kabuuang 48,788,021 Pinoy na ang natukoy na eligible para sa vaccination. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.