Abante Tonite Interactive

135 tauhan ng EPD sinalang sa drug test

By
65

Isinailalim kahapon sa surprise drug test ang 135 tauhan ng Eastern Police District (EPD) partikular ang mga operatiba ng district at station drug enforcement unit gayundin ang intelligence unit.

Isinagawa ang surprise drug test matapos magpatawag ng pagpupulong si EPD director Chief Supt. Bernabe Balba dakong alas-10:00 ng umaga kahapon.

Habang ginaganap ang pulong, dumating ang mga tauhan ng EPD Crime Laboratory Office at nagsagawa ng drug test kung kaya’t walang nakaalis na mga pulis sa EPD headquarters hangga’t hindi natatapos magpa-drug test.
Sinabi ni Balba na sadyang ginawa ang drug test sa hindi inaasahang pagkakataon ng mga tauhan ng EPD para matiyak na drug-free ang lahat ng kanyang mga pulis.

Abante Hiring – IT dep

Una nang ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na isailalim sa drug test lahat ng mga pulis sa Metro Manila para malinis ang kanilang hanay laban sa mga tauhan na gumagamit ng droga.

Kasunod na rin ito ng pagkakaaresto sa isang bagitong pulis habang gumagamit ng cocaine sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City sa Taguig City.