Abante Tonite
Mabilis sa Balita

137 taga-Visayas patay sa COVID

0 101

Pumalo na sa 137 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa Western Visayas nitong buwan ng Mayo.

Ito ay base na rin sa datos ng Department of Health (DOH)-Western Visayas mula nitong Mayo 1 hanggang Mayo 26.

Bumaba naman ang bilang ng mga bagong kaso. Sa parehong panahon, nakapagtala ang Western Visayas ng 155 new cases.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, karamihan ng probinsya sa naturang rehiyon gaya ng Iloilo, Aklan, Capiz at Guimaras, ay nasa ilalim ng Alert Level 1.

Habang nasa Alert Level 2 naman ang probinsya ng Antique at Negros Occidental. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.