Abante Tonite Interactive

13th month, Christmas bonus ibigay niyo na

By
0 532

Nananawagan ang isang kongresista na ipamudmod ng maaga ang 13th month pay at Christmas bonus ng mga manggagawa.
Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, mas maaga ay maiging ipamigay na ang mga bonus lalo na’t katiting na umento lamang ang napala ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Kung maagang maipamimigay ang mga biyaya ay makaka­bili na ang mga ito ng kailangan para sa Pasko gaya ng pagkain at regalo habang hindi pa umaak­yat ng todo ang presyo ng mga bilihin.

“Businesses usually jack up their prices when Christmas gets near to take advantage of the rush. Let’s save our workers from this inconvenience by giving their benefits and bonuses, if there’s any, in advance,” pahayag ni Castelo na chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Binanggit ng solon na bagama’t may mga kompanyang mapagbigay mayroon ding naghihintay pa na sumapit ang buwan ng Disyembre bago ipamigay ang benepisyong pinansiyal sa mga manggagawa.

“I hope these can sympathize for the current plight of our workers who are reeling from the effects of inflation on their families,” ani Castelo.