Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13th month pay kasado na

0 109

Good news para sa mga empleyado ng Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Ito’y dahil siguradong matatanggap umano ang inaasam-asam na 13th month pay ngayong Pasko.

Tiniyak ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pagharap nito sa virtual hearing ng Kamara.

Ayon kay Lopez, mayroon umanong pondo ang DTI-Small Business Corporation na ipinapautang na walang tubo sa mga negosyo na kinakapos ng pondo para sa 13th month pay ng mga empleyado.

Sa pagdinig, sinabi rin ni Lopez na tumaas ang bilang ng mga nagparehistrong negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.