Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14-anyos, 2 utol timbog sa P180M shabu

0 48

Umabot sa mahigit 25 kilo ng shabu na nagkakahalagang halos P180 milyon ang nasamsam ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa isang totoy kasabwat ang dalawa nitong kuya matapos silang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Capt. Deo D. Cabildo, head ng DEU ng Caloocan Police, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang di na pinangalanang 14-anyos na tulak.

Kinilala naman ang mga kuya nitong sina Kalif, 24, estudyante, at nakababata ring kapatid na si Akisah, 18, estudyante, pawang taga-Caloocan City.

Ayon kay Capt. Cabildo, nasa watchlist nila si Kalif at kilalang big time drug pusher sa Northern area.

Bandang alas-7:30 ng umaga, ikinasa ng DEU ang buy-bust operation sa lugar ng mga suspek kung saan isa sa mga pulis ang umaktong bibili ng shabu.

Pagkabigay ng buy bust money ng mga parak, sabay-sabay na pinagdadampot ang magkakapatid.

Nasa kabuuang 25 kilo at 700 grams ng iiligal na droga ang nakuha sa kanila at may market value na P179, 760,000.00. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.