Abante Tonite Interactive

14-anyos nagmaneho ng motor, dedbol sa bundol

247

Patay ang isang menor de edad na rider habang sugatan ang angkas nito matapos sumampa sa center island at sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Muntinlupa si Patrick Obispo, 14-anyos, sanhi ng tinamong matin­ding pinsala sa ulo at katawan.

Naratay naman sa nasabi ring ospital ang angkas nitong si Oscar Mogate, 18.

Sa report sa Southern Police District (SPD), alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Westbound lane ng Alabang-Zapote Road, Filinvest, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Minamaneho ng nasawing biktima ang Yamaha motorcycle na may sidecar at walang plaka habang angkas si Mogate nang hindi nakontrol ng driver ang preno nito dahilan upang sumampa sila sa center island at sumalpok sa poste.