Abante Tonite Interactive

14-anyos niluray ng binata

0 354

Arestado ang isang binata matapos umanong gahasain ang isang 14-anyos na dalagita sa Pasay City, Huwebes ng hapon.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Pasay City Police at nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Ernesto Lopez y Lamsin III, 24, diser, at taga-#132 Balagtas St., Brgy. 15, Zone 1 sa nasabing lungsod.

Ang biktima ay itinago sa pa­ngalang ‘Cristy’ isang estudyante at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa report ni Marites M. Fortozo ng Women and Children’s Protection Desk, naganap ang panghahalay sa bahay ng biktima sa pagitan ng ala-1:30 ng hapon hanggang alas-dos ng hapon nitong Huwebes.

Nagawa namang magsumbong ng biktima sa kanyang ina (hindi na binanggit ang pangalan) na agad humingi ng tulong kay kagawad Ricardo Galanta, kaya agad ding naaresto ang suspek.

Bandang alas-siyete ng gabi nang dalhin ang suspek sa WCPD ng Pasay City Police upang isai­lalim sa imbestigasyon. (Armida Rico)