Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14-anyos tigok, 1 pa kritikal sa Tondo riot

0 144

Yumao ang isang 14-anyos na lalaki mata­pos na mabaril habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa sa naga­nap na riot, kamakalawa ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Naisugod pa sa Jose R. Reyes Memorial Medi­cal Center ang biktimang si John Mark Molina, alyas ‘Dennis’, out of school youth at residen­te ng Pasilyo 1 Central Market, Fugoso St., Sta. Cruz, Maynila.

Habang inoobserba­han naman sa nabanggit na pagamutan ang isa pang biktima na si ‘Jo­mar’, 17, ng Quiricada St., Sta. Cruz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaalam naman ng Manila Police District-homicide section at ng MPD-Police Station 2 ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa riot.

Ayon kay P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., Sta­tion Commander ng MPD-PS 2, ala-una ng madaling-araw nang sumiklab ang sagupaan ng mga kabataan sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.

Nalaman na armado ng baril ang kabilang panig kaya nabigla umano ang panig ng mga biktima nang umalingawngaw ang mga putok ng baril at tamaan sina Molina at Jomar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.