Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14-anyos todas sa boga ng tropa

0 221

PATAY ang 14-anyos na binatilyo nang aksidente umanong mabaril sa mukha ng kanyang kaibigan sa Barangay Tubaday Proper, Santol, La Union kamakalawa.

Kinilala ng Santol Police Station (SPS) ang biktima na si Ronnie Sadao, 14, ng nasabing barangay.

Samantala ang suspek ay si Raffy Olario, 22, ng Sitio Bilagan, Pugiil, Santol, ng nasabing lalawigan.

Sa inistial na report, ayon sa SPS, pumunta ang magkaibigan sa isang kasalan sa Barangay Tubaday kasama ang dalawa pa.

Dahil inabot ng gabi, nakitulog si Sadao sa bahay ni Olario at kinaumagahan, nagising ang kamag-anak ng suspek sa alingawngaw ng putok ng baril at dito nakitang duguan ang mukha ng biktima.

Napag-alaman na nilalaro ng suspek ang baril kasama ang biktima at aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at tinamaan sa mukha si Sadao sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng mga pulis. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.