Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 araw na ECQ hirit ng mga NCR mayor

0 88

Pabor ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na magpatupad ng 14 araw na enhanced community quarantine (ECQ) kasabay ang malawakang pagbabakuna dahil na rin sa banta ng mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang malawakang bakunahan sa dalawang linggong ECQ ay hindi magkakaroon ng anumang klasipikasyon, kumbaga ay bukas ito para sa lahat ng residente.

Kaugnay umano nito ay hihiling siya sa national government na mabigyan ng nasa apat na milyong COVID bakuna upang maisagawa ang dalawang linggong malawakang turukan sa NCR.

Hiling din umano ng mga alkalde sa national government ang pagbibigay ng ayuda sa mga taga-NCR sa loob ng dalawang linggong ECQ.

SM food to go Banner Ad

Samantala, pag-uusapan umano ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mungkahi ng mga NCR mayor.

“Palagi po nating pinakikinggan ang ating mga alkalde dahil sila po ang magpapatupad ng mga polisiya. Kaya nga po ngayong hapon ay pakikinggan po ng IATF ang ating mga alkalde,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa online press briefing.

Subalit aminado si Roque na kulang na ang pondo ng pamahalaan para sa hirit na ayuda ng mga alkalde. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.