Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 business group: Sasakyan dagdagan kesa siksikin

0 47

Nanawagan ang 14 na grupo ng mga negosyante sa administrasyong Duterte na siguruhing ligtas ang mga tao sa pagbabalik nila sa trabaho para maiahon ang ekonomiya at huwag limitahan ang dami ng mga pampublikong transportasyon pra may masasakyan ang mga tao.

Imbes na siksikin sa pasahero ang mga sasakyan, maaari naman umanong dagdagan ang mga bumibiyahe para makabalik ang marami sa trabaho.

“Limiting public transportation encourages more crowding and longer queuing, which lead to longer exposure to the virus,” sabi ng mga negosyante.

Ang pahayag ay pinirmahan ng American Chamber of Commerce, Bankers Association of the Philippines, Bounce Back Philippines, Canadian Chamber of Commerce, European Chamber of Commerce of the Philippines, Foundation for Economic Freedom, IT & Business Process Outsourcing Association of the Philippines, Japan Chamber of Commerce and Industry of the Philippines Inc., Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Philippine Association of Multinational Regional Headquarters Inc., Philippine Business for Education, Restaurant Owners of the Philippines, at Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc.

Sabi ng mga negosyante, mahalagang hakbang ang ligtas at dahan-dahang pagdagdag sa kapasidad ng public transport para maiahon ang ekonomiya. Para mangyari ito, kailangang maibalik umano ang kumpiyansa ng mga tao at naiipit ito sa sektor ng transportasyon.

Anila, kailangang i-test, trace, treat o gamutin ang mga tao para masigurong hindi kakalat ang COVID-19 sa trabaho.

Kailangan ding siguruhing ligtas ang public transportation para makagalaw ang mga tao at ang mga magtratrabaho. Kailangan din anila tanggapin ng lahat ang responsibilidad, hindi lang ng pribadong sektor at ng pamahalaan, ma mabuhay sa kabila ng pandemya.

Nanawagan din sila sa pamahalaan na sundin ang tinatawag na `7 commandments’ ng mga health expert na pinangunguhahan ni dating Department of Health (DOH) Secretary Manuel Dayrit.

Ito ay ang: 1. Pagsuot ng face mask; 2. Pagsuot ng face shield; 3. Walang daldalan sa public transport at bawal ding kumain; 4. Sapat na ventilation; 5. Madalas at maayos na disinfection; 6. Walang mga pasaherong umuubo, may lagnat o iba pang sintomas; at 7. Sapat na physical distancing.

Sabi nila, ang mga hakbang na ito ang isa sa mga pinakakompleto sa mundo at kailangan lanmang ipatupad para mapabagal ang pagkalat ng virus.

Dagdag pa nila, ang World Health Organization (WHO) na ang nagrekomenda na isang metro dapat ang layo ng mga pasahero sa bawat isa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.