Abante Tonite Interactive

14 chikas na nilalako sa POGO nasagip

231

Na-rescue ng mga tauhan ng Parañaque City Police at PNP-Women’s­ and Children’s Protection Desk ang isang babaeng Chinese national at 13 pang babae laban sa isang sindikato ng human trafficking­ makaraang salaka­yin ang tinutulu­yang condominium unit kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Col. Robin King Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police, alas-otso ng gabi nang isagawa ang pagsalakay sa tinutuluyang unit ng dayuhang babae sa Bay Tower 1 Condo sa Roxas Blvd., Brgy. Tambo.

Sinabi ni Sarmiento na unang nagsuplong sa Chinese Embassy ang isa sa mga biktima na si Huang Xia, 31.

Aniya’y ni-recruit siya ng mga kababa­yang magtrabaho sa isang Philippine Offshore ­Gaming Operator (POGO) ngunit ibinubugaw umano sila ng kanilang manager sa mga kustomer na Chinese national.

Iniulat naman ito ng Chinese Embassy sa PNP-WCPD na nakipagkoordinasyon naman sa Parañaque City Police.

Kuwento pa ni Sarmiento, nakatakda sana silang magkasa ng entrapment operation sa naturang lugar ngunit pagdating nila sa condominium building ay naroroon na ang mga tauhan ng PNP-WCPD kaya tuluyan nilang pinasok ang lugar na ikinasagip kay Huang at 13 niyang kasama­hang babae na iba-iba ang nasyonalidad. ­(Armida Rico)