Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14-day ‘kulong’ ng Elite player dapat kumpleto

0 186

INILATAG ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mas mahigpit na protocols para sa pagpapatuloy ng mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 simula sa Martes, Nobyembre 3.

Inirekomenda ng IATF ang sumusunod na protocols na pagkumpleto ng 10-araw na isolation sa Blackwater player mula sa araw ng swabbing bago makabalik sa laro, pagkumpleto sa 14-araw quarantine at testing bago makapasok sa bubble para sa lahat ng masusubok na positibo, at ang appointment ng isang independiyenteng marshall, na siyang mag-oobserba at magsisiguro na nasusunod ang health at safety protocols base sa rekomendasyon ng DILG.

Nangako ang liga na susundin ang pinakahuling rekomendasyon ng IATF kung saan ang kalusugan at kaligtasan ng 350 kalahok na nasa PBA bubble ang nananatili nitong pangunahing prayoridad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bilang dagdag na safety measure at koordinasyon sa Clark Development Corporation (CDC) ay nagtakda din ang PBA na hiwalay na pansamantalang quarantine facility sa loob ng Clark Freeport Zone.

Ang idinagdag na protocols mula sa mga health experts ay inilagay para masiguro ang takbo ng bubble.

“We would like to reiterate that the PBA bubble has not been breached but we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble,” pahayag ng PBA. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.