Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 grupo ng mga doktor pinakalkal PPE scam

0 57

Hinihingi ng Philippine College of Physicians (PCP) ang katotohanan at katarungan sa diumano’y anomaly sa mga biniling personal protective equipment (PPE) ng pamahalaan.

Ang PCP ay binubuo ng 14 na organisasyon ng mga doktor sa bansa.

Giit ng PCP, dapat ipagpatuloy ng Senado ang ginagawa nitong imbestigasyon tungkol sa diumano’y anomalya sa pagbili ng administrasyong Duterte ng mga PPE at panagutin ang mga taong pinagkakakitaan ang pagdudusa, pagkakasakit at pagkakamatay ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Ipinahayag ng mga doktor ang pagkondena nila sa mga naririnig na anomalya diumano habang sinusugal nila ang sariling buhay para gamutin ang mga pasyente, ano man ang politika nila.

“While we risk our lives taking care of the Filipino patients without regard to any political leanings, it is loathsome to hear that there may be people who exploit the situation. As healthcare professionals, we will always firmly stand for science and search for the evidence,” pahayag ng PCP.

Anila, hindi na sila mananahimik at uupo lamang at panoorin ang mga pangyayari sa paligid nila. Karapat-dapat lamang umano na malaman nila ang katotohanan sa isyung ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We deserve to know the truth,” sabi ng PCP. “We cannot remain silent, nor will we sit and watch these allegations just unfold before us.”

Nanawagan ang PCP sa Senado na bilisan ang ginagawa nitong imbestigasyon at dapat na malaman ang katotohanan.

Kung may sapat umano itong ebidensiya, kailangang ipasa na kaagad ng Senado sa Department of Justice (DOJ). Anila, kung may probable cause, dapat magsagawa agad ang DOJ ng walang kinikilingan at masinop na imbestigasyon.

Sabi ng PCP, kailangang siguruhin ng lahat ng kawani ng pamahalaan na magkakaroon ng katarungan at mapapanagot ang mga salarin at kakasuhan sila ng Ombudsman.

“We call for transparency, exigency, and accountability,” sabi ng PCP. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.