Abante Tonite Interactive

14 kabataang preso nakapuga sa rehab center

By
797

Labing-apat na kabataang preso na pawang nahaharap sa mga kasong kriminal ang nakatakas at lima sa mga ito ang kaagad na naibalik sa kulungan makaraang makapuga sa Bahay Tanglaw Pag-asa Youth Rehabilitation Center sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Isang malawakang paghahanap pa din ang isinasagawa ngayon ng pulisya upang maibalik sa piitan ang siyam pang kabataang nakapuslit sa rehabilitation center na ang edad ay nasa pagitan ng 14-anyos hanggang 17-anyos at may mabibigat na kasong kinakaharap tulad ng rape, drugs at theft.

Wala nang binanggit na ibang detalye ang awtoridad sa pagkakapuga ng mga kabataang suspek ngunit sinasabing nakatakas ito sa rehabilitation center noong Linggo sa pagitan ng alas-siyete hanggang alas-otso ng gabi at lima ang kaagad na naibalik sa piitan nitong nakaraang Lunes ng tanghali matapos kusang isuko ng kanilang mga kaanak.

Ang youth rehabilitation center ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)-Malolos City.