Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 lalaking sangkot sa sextortion himas rehas

0 323

Kalaboso ang 14 lalaking sangkot umano sa cybercrime sextortion sa nalusob na sex den sa Brgy. Abar 1st, San Jose City Nueva Ecija noong Miyerkoles ng gabi.

Batay sa pulisya, nagsimula sa drug buy-bust ang pagkakadiskubre sa sextortion den. Tinugis umano ang tumakas na tulak ng droga na si Ronnie Wagan at doon napadako sa sextortion den at natagpuan ang mga computer set at mga salarin.

Kinilala ang mga ito na sina Emmanuel Claudio, 31; Darren Zabala, 28; Mark Roxas, 30; Jomari Robles, 22; Gerald Villamor, 28; Richard Bryan dela Cruz, 35; Andrew Robles, 25; Christian Libunao, 30; Christian Juntino, 22; Jerome de Leon, 27; Alfredo de la Cruz, 31; Robertor Revillo, 18; Mark Anthony Castillo, 23; at Michael Jolo Palma, 20.

Nakatakas umano ang sinasabing operator ng den na si Allan Navarro Coloma.

Nakakumpiska sa lugar ang mga computer na ginagamit ng mga nahuli na kinasuhan ng paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.