Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 mangingisda na sinalpok ng barko, sinisisid pa

0 401

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa 14 mangingisdang nawawala matapos salpukan ang kanilang fishing boat ng isang HongKong vessel, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ang naturang barko ay sumalpok noong Linggo sa baybayin ng southwest of Manila, kung saan lumubog ang Philippine fishing vessel Liberty 5 off the coast of Occidental Mindoro province.

“The captain of the cargo ship Vienna Wood, which is registered in Hong Kong, called for help a few hours later,” ayon sa Coast Guard.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang natagpuan lang umano ay mga lalagyan ng isda at walang nakitang sakay at crew ng naturang barko, ayon kay PCG-Southern Tagalog commander Commodore Leovigildo Panopio sa isang panayam.

“Patuloy po kaming maghahanap hanggang wala nakikitang may nakalutang po, ang iniisip po namin buhay lahat po at nakarating sa isla po sana,” pahayag pa nito.

Napag-alaman na ang Liberty 5 ay patungo sa Navotas fish port samantalang ang Vienna Wood na nakasalpukan nito ay patungong Australia galing ng Subic, Zambales. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.