Abante Tonite Interactive

14 na ang may COVID-19 sa NBA

655

Umabot na sa 14 ang NBA players o personnel/staff na nag-positive sa coronavirus.

Una sa players si Rudy Gobert, sumunod ang teammate niya sa Utah Jazz na si Donovan Mitchell. Pagkatapos ay si Christian Wood ng Detroit Pistons at si Kevin Durant at tatlo pa mula sa Brooklyn Nets.

Huwebes ay kinumpirma ni Boston Celtics guard Marcus Smart na positive din siya.

Dalawa pang players ng Lakers ang sinabing positive. May isa pa rin mula sa Denver Nuggets organization.

Huling nadagdag ang tatlo raw buhat sa Philadelphia 76ers organization din.

Hindi pinangalanan ng Sixers kung sino ang tatlong nag-positive o kung ano sila sa team. Pero ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, staff members ang mga ito.

Nakalaro ng Philly ang Detroit noong March 11 bago sinuspinde ng NBA ang 74th season.

“Pursuant to CDC (Centers for Disease Control) guidelines, the three individuals are in self-isolation and will be monitored closely by medical professionals,” anang statement ng Sixers. (VE)