Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 nadale sa salpukang jeep vs van

0 52

Sugatan ang 14 katao sa salpukan ng pampasaherong jeep at delivery van sa Maharlika Highway, Brgy. Calumanguin, Gumaca, Quezon nitong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa nasugatan ang nagmamaneho ng nakabanggang van at ang jeepney driver at ang 12 pasahero nito.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Gumaca Police, alas-7:40 ng umaga nangyari ang insidente nang magkasalubong na tumatakbo ang dalawang sasakyan nang salpukin ng van ang jeep.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng van na si Sherwin Castilar Baranda, 26, at taga-Antipolo City, Rizal kaya napunta ito sa linya ng kasalubong na jeep na minamaneho ni Enrico Agnes Daño, 57.

Dinala ang dalawang driver at mga pasahero na pawang taga-Gumaca, sa ospital para malapatan ng lunas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.