Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 nawawalang Pinoy pinagagalugad

0 275

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa awtoridad na palawakin pa ang paghahanap sa 14 Filipino na nawawala matapos banggain ang kanilang bangka ng isang Hong Kong-flagged cargo vessel malapit sa dalampasigan ng Mindoro.

Ayon kay Poe, dapat humingi din ng tulong ang Philippine Coast Guard sa kalapit-bansa hinggil sa kagamitang pandagat at panghimpapawid dahil nauubos na ang panahon ng search and rescue mission.

“Every day counts. We should not let down the families of the 14 Filipinos awaiting the safe return of their loved ones,” sabi Poe, chair ng Senate committee on public services.

Ayon sa senadora, tataas ang tiyansa na makita ang mga nawawalang mangingisda kung gagamitin at pagtutuunan ng lahat ng pagkilos sa mabilis at malawakang paghahanap.

Dagdag pa nito, kahit mga komunidad sa dalampasigan ay nagboluntaryo na sa paghahanap ng anumang senyales ng naturang mga mangingisda. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.