Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 Pinoy hinahanap pa sa Occidental Mindoro

0 218

Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa 14 na Pilipinong sakay ng bangkang pangisda na nananatiling nawawala matapos sumalpok sa isang Hong Kong-flagged cargo vessel sa karagatang malapit sa Occidental Mindoro.

Ayon kay kay Mario Mulingbayan ng Occidental Mindoro Disaster Response, tanging mga banyera lang ang natagpuan ng mga rescuer na lumulutang sa lugar kung saan lumubog ang fishing vessel ng mga Pinoy na Liberty 5.

Sinabi nito na patuloy pa rin ang paghahanap sa 12 crew at dalawang pasahero ng Liberty 5 gamit ang military helicopter.

“Tayo po ay tuloy-tuloy ang panalangin na sana po ay ligtas ang 14,” pahayag pa ni Mulingbayan. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.