Abante Tonite Interactive

14 Pinoy lumikas sa Iraq

160

Anumang araw at oras ay makakauwi na ng Pilipinas ang nasa 14 na overseas Filipino worker (OFW) mula sa Gitnang Silangan kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Sa isang pahayag, na inilabas, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ililipat ang unang batch ng evacuees sa Doha, Qatar saka ibibiyahe pauwi ng Maynila sa araw ng Linggo.

Ayon Kay Lorenzana, inaayos na ang mga dokumento mg 14 Pilipino para makauwi na ang mga Ito sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas
Aniya ngayon, ay nananatili ang 14 na OFW sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq.

Ayon sa kalihim, posible pa itong madagdagan.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga OFW sa nasabing bansa para alamin kung sino-sino ang nais nang bumalik ng Pilipinas. (Juliet de Loza-Cudia/Armida Rico)