Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 Pinoy marino nagpositibo sa India, 1 dedo

0 266

Nagpositibo sa COVID-19 ang 14 na Pinoy crew ng Panamanian ship na galing sa India at dumaan din sa Indonesia.

Kasalukuyang naka-angkla ang MV Hilmas Bulk sa bukana ng Manila Bay.

Ayon kay Capt. Jefrey Solon ng Maritime Industry Authority (MARINA), nabatid na bumaba umano sa India ang may 20 Pinoy crew noong Mayo 8 at kasunod nito ay naglayag na sila papuntang Indonesia para magdeliber ng mga asukal.

Pagdating umano sa Indonesia ay doon nadiskubre na positibo sa COVID-19 ang 14 na crew.

Naka-confine ngayon ang 13 crew samantalang namatay naman ang isa pa nilang kasamahan.

May anim pang crew na nakauwi na umano sa kanilang pamilya matapos na magnegatibo ang COVID-19 test noong Mayo 18. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.