Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 quarantine sa Maynila bakante na

0 174

Inanunsiyo kahapon ni Mayor Isko Moreno na bakante na ang 14 quarantine facility sa Maynila kasunod ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon kay Moreno, sa ngayon ay wala nang laman ang 883 kama ng 14 na quarantine facility nila.

Matatagpuan ang mga quarantine facility sa Delpan, Araullo, Patricia, T. Paez, San Andres, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Dapitan, Manuel L. Quezon University, Tondo Sports Complex, P. Gomez, Arellano, Bacood, Del Pilar (Pregnant) at Dormitels.

Bakante na rin umano ang nag-iisang quarantine facility para sa mga COVID suspect cases sa Tondo High School na may 40 kama.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito, nasa 116 na lamang o 23% ng 501 na COVID bed sa anim na district hospital sa Maynila ang okupado ngayon ng mga pasyente.

Nabatid pa na 48 o 14% na lamang ng 344 bed ng itinayong Field Hospital ang okupado ng mga pasyenteng may COVID.

Napag-alaman din na hanggang alas-12:00 ng tanghali kahapon, Nobyembre 7, umaabot na lamang sa 324 ang mga aktibong kaso mula sa kabuuang 89,756 na COVID-19 case sa Maynila.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.