Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14 quarry operator pasaway sa DENR

0 106

Natuklasan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones na may 14 na quarry operators ang natuklasang lumalabag sa ilang environmental laws sa Albay.

Ayon kay Leones, sa kanilang inisyal na pagsisiyasat sa lahar-affected areas malapit sa Mayon Volcano, lumilitaw na may naganap na paglabag ang mga quarry operators.

Aniya, kabilang dito ang paglampas ng mga operators sa ‘allowed area’ sa kanila, habang ang iba ay nag-o-operate naman gamit ang expired permit at inisyal nang inisyuhan ng temporary suspension ang lahat ng quarrying operations.

“Based doon sa aking information, na-finalized na ‘yung report, ang initial report diyan we have already identified at least 14 quarry operators na talagang nag-violate ng environmental laws natin,” ani Leones, sa isang panayam nitong Linggo.

“’Yung siyam diyan, nakita namin ang operators talagang nag-exceed na sila sa area na allowed sa kanila. Umakyat na sila. ‘Yung apat naman, talagang nag-o-operate with expired permits,” ayon pa sa opisyal.

Magugunitang noong Nob. 2, nagkaroon ng pagragasa ng lahar sa lalawigan dahil sa pananalasa ng super bagyong Rolly, kung saan ay umabot sa 300 kabahayan sa Brgy. San Francisco, sa Guinobatan, ang nabaon sa putik mula sa bulkan at ilang residente rin ang iniulat na namatay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.