Abante Tonite
Mabilis sa Balita

140 sugarol dinampot sa Cavite

0 139

MISTULANG pista ng iba’t ibang klase ng sugal ang naitala sa Cavite kung saan umabot sa halos 140 ang binitbit ng Cavite police sa magdamagang anti-gambling operations sa magkakahiwalay na lugar.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), nanguna sa listahan ang pinakamaraming bilang ng klase ng sugal ang tupada (72), Tong-its /Pusoy (32) Billiard (15), Mahjong (9, Caray cruz (7) at Bingo (4. )

Nanguna ang Bacoor City at Indang sa bilang ng mga dinampot sa tupada.

Sa larong tong-its/pusoy, nanguna naman sa Gen Trias ang may pinakamaraming bilang na dinampot.

Sa larong mahjong, 9 ang bilang ng hinuli sa Cavite City at Rosario habang kabuuang 15 naman ang nakorner sa larong billiard.

Pito naman ang dinakma sa larong cara y cruz sa Dasmarinas City habang apat ang binitbit sa larong bingo sa Gen Trias City. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.