Abante Tonite Interactive

140 sultada sa LPC Boss Alex T. derby

301

Inaasahan ang may 140 mga sultada sa pinakamalaking pasabong ngayong tag-init sa Las Pinas Coliseum na “Boss Alex Tobias Summertime 4-Cock Derby” sa Abril 24, Miyerkoles.

Inihayag nitong Linggo ni derby host at LPC manager Tobias na maagang sisimulan ang mga bakbakan sa event na may entry fee na P9,900 at minimum bet na P6,600.

“Kaya magpalista na po nang maaga, maraming sasali,” panapos ni Tobias.
Liban sa bagong aircon units sa 80 cockhouses at aircons sa mga sabungan, ay mayroon na rin ang LPC na three-level parking area na kasya ang 200 tsekot.

Nakatakda rin sa nasabing sabungan ang Silver Mallet and Boss Raymond 2-Cock Derby nina Jojo Marquez at Raymond Montalbo sa Mayo 8 na may may cash prize na P150,000 sa entry fee na P3,300.

Punong abala naman si businesswoman Budjit Aguilar ng ‘Mam Budjit 3-Cock Derby’ sa Mayo 29. (Enjel Manato)