Abante Tonite
Mabilis sa Balita

143 OFW mula Bahrain nakaapak na sa NAIA

0 87

Umabot sa 143 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Bahrain kahapon.

Kasama sa nasabing bilang ang 132 landbased, siyam na seabased at dalawang Pinoy tourist sakay ng Gullf Air flight GF 154 na lumapag paradox alas-10:00 ng umaga sa terminal 1.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito naunang dumating alas-9:00 ng umaga ang 200 Pinoy repatriates mula naman sa Qatar lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 655.

Inaasahan naman na dumating ang 200 OFW mula sa Turkey sakay ng Turkish Airlines flight TK 84 alas 6:30 ng gabi.

Alas 9:00 ng gabi naman ang dating ng 200 Pinoy repatriates mula sa Riyadh sakay ng Saudia Airlines SV 870 sa NAIA terminal 1. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.