Abante Tonite
Mabilis sa Balita

145 na pelikula pasiklaban sa PPP4

0 163

Isang malaking pagtitipon ng samu’t saring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films.

Mga pelikulang hindi pa napapalabas sa mga Pilipinong manonood o nagkaroon lamang ng limited release sa bansa ang kasama sa Premium Selection section. Tampok sa Premium Selection ang “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” ni National Artist for Film Kidlat Tahimik.

Kasama rin ang dalawang classic ‘80s films: “Batch ‘81” ni Mike de Leon, kung saan executive producer ang yumaong si Marichu Vera-Perez Maceda at bidang aktor naman ang namayapang si Mark Gil, at ang restored version ng “Brutal” ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya mula sa Philippine Film Archive ng FDCP. Sina Amy Austria, Charo Santos-Concio, at Gina Alajar ang mga artista sa “Brutal” .

Ang “The Helper” ni Joanna Bowers ay documentary tungkol sa Filipino at Indonesian domestic workers sa Hong Kong habang ang “Itoshi No Irene (Come On, Irene)” ni Keisuke Yoshida ay live action manga series adaptation na pinagbidahan nina Ken Yasuda and Nats Sitoy. Nagkaroon ito ng international premiere sa 2018 Busan International Film Festival.

Tampok din ang “Cleaners” ni Glenn Barit na Best Film sa Asian New Wave Competition ng 2019 QCinema International Film Festival . Nandiyan din ang “Blood Hunters: Rise of the Hybrids” ni Vincent Soberano. Ang Best Action Film at Best Martial Arts Film sa 2019 Urban Action Showcase International Action Film Festival ay pinagbidahan nina Soberano, Sarah Chang, Roxanne Barcelo, at Monsour del Rosario.

Tatlong entries sa 2020 Sinag Maynila Film Festival ay kasama rin sa Premium Selection: “He Who Is Without Sin” ni Jason Paul Laxamana na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Enzo Pineda, “Kintsugi” ni Lawrence Fajardo nina JC Santos at Hiro Nishiuchi. Kasali rin ang “The Highest Peak” ni Arbi Barbarona na pinagbidahan nina Dax Alejandro at Mara Lopez.

Inaanyayahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula. Ang “Sama All!” ay slogan ng PPP4 .

“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema. The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Gaganapin ang PPP4 mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa FDCPchannel.ph platform. Ang Early Bird Rate Pass na PHP 450 para sa 16-day Full Run Pass (PHP 599) ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Ang iba pang subscription options ay ang Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events). Simula Oktubre 16, magkakaroon na ng discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%) at mga mag-aaral (30%).

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.