Abante Tonite
Mabilis sa Balita

149 gumaling sa COVID nadiskubreng dedbol pala

0 349

Nilinaw ng Department of Health (DOH) sa kanilang pag-uulat hinggil sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa na mayroong 149 indibidwal na unang iniulat na nakarekober sa virus ang natuklasan na namatay pala.

Base sa ulat ng DOH nitong Linggo, may 33 duplicate ang kanilang inalis sa kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang umano ay 28 ang nakarekober habang isa ang nasawi.

“Moreover, 149 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation,” sabi ng DOH.

Samantala, base sa COVID-19 Case Bulletin No. 421 ng DOH kahapon, Mayo 9, pumalo na sa 1,101, 990 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa buong bansa matapos na makapagtala ng 7,174 na mga bagong kaso.

Nakapagtala naman ng 9,197 na mga bagong nakarekober dahilan para umakyat sa 1,022,224 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

May 204 indibidwal ang naitala na bagong nasawi kaya umabot na sa 18,472 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 infection.

Bumaba naman sa 61,294 ang total ng mga aktibong kaso. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.