Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14K bagong COVID case, aktibo halos 100K

0 189

Tumaas pa sa 14,249 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, Agosto 14.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 518, umaabot na ngayon sa 1,727,231 ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa dahil sa nadagdag na 14,249.

Ang naitala na mga bagong kaso ay tinuturing na pangalawang record-high sa daily COVID case sa bansa. Pinakamataas pa rin ang naitala na 15,310 kaso noong Abril 2, 2021 bagama’t nilinaw ng DOH na ito’y dahil na rin sa pagkakaroon nila ng mga backlog sa nakalipas na dalawang araw.

Nakapagtala naman ng 98,847 aktibong kaso ng COVID. Nabatid na mula sa mga aktibong kaso ng COVID ay 95.9% ang mild, 1.4% ang severe, 1.0% ang asymptomatic, 0.95% ang moderate at 0.8% ang critical.

May 11,714 na mga bagong gumaling sa virus infection kung kaya’t umakyat sa 1,598,314 ang kabuuang nakarekober sa COVID.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa DOH, may 233 bagong nasawi kaya pumalo na sa 30,070 ang kabuuang bilang ng mga namatay sanhi ng COVID sa bansa.

Samantala, 14 kaso na unang naitala na nakarekober sa sakit ang nalaman na aktibong kaso pa pala.

Mayroon namang 142 kaso na unang ini-report na nakarekober na pero lumabas sa pinal na validation na namatay pala ang mga ito.

Apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.