Abante Tonite
Mabilis sa Balita

14K gumaling sa coronavirus

0 42

Nakapagtala muli ng maraming kaso ng COVID-19 patient na nakarekober sa sakit, base sa datos ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Oktubre 18.

Ayon sa DOH, nasa 14,941 pasyente ang gumaling sa virus kaya umabot na sa 310,158 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

May 2,379 naman ang bagong kaso ng virus infection kaya naitala sa 356,618 ang kabuuang bilang ng COVID case sa bansa.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 444, kasunod ang Region 4A na nakapagtala ng 317 habang 181 naman sa Region 3.

SM food to go Banner Ad

Nakapagtala naman ng 50 kaso ng bagong nasawi sa COVID-19 kaya nasa

6,652 na ang total death count sa virus.

Nagkaroon din ng 99 duplicate na tinanggal sa total case count kung saan 84 dito ay recovered cases at isa ang namatay.

Habang may 11 kaso na unang inulat na gumaling pero namatay pala sa isinagawang validation. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.